nakauwi na ako. nakakain na sa jollibee. balik na sa trabaho (kahit iba na yung puwesto). balik na sa trapik (at walang nagbago). balik sa bahay namin (at sa luto ng mommy ko). balik sa maliit kong kuwarto na parang lalong lumiit dahil sa mga bagahe na wala akong makitang mapagtambakan ng maayos. sa wakas, ang sarap na naman ng tulog ko. minsan napapaisip ako. pano kung iba yung naging desisyon ko. naiisip ko yung mga na-miss ko na kaganapan sa buhay ng mga tao na malapit sa kin. pero ayoko rin naman isipin yun ng matagal. parang hindi maganda sa kalooban. at wala rin namang mangyayari sa kakaisip.
iba na laman ng utak ko ngayon. dati, ang hanap ko kung saan ako makukuntento (at totoo lang madali lang yun, medyo may kababawan ako kasi). pero... matapos kung makita ang maraming bagay na wala ako, matapos kong malaman kung pano makamit yung mga yun... sa tingin ko, hindi na ako makukuntento.
ayokong maging 'masaya'. alam ko kasi na mali ang konsepto ko nang 'masaya'. mali kasi puro sa mga napanood ko sa telebisyon at pelikula ang mga alam kong halimbawa. meron akong mga kakilala na sa tingin ko ay tunay na masaya, pero hindi ko naman maintindihan - wala rin. ayoko lang sumuntok ng anino. yun lang naman, sayang e.
hindi naman malungkot ang buhay ko. natawa ako, at madalas (oo baliw ako, matagal na). maliban na lang pag nagtatrabaho ako. sa tingin ko kasi hindi bagay. alam kong totoo ang ngiti ko tuwing naalala ko mga mahal ko sa buhay. at pramis, papayat na talaga ako! =P
siguro nga tumanda na ako. epekto siguro yun ng matagal na pagkakaupo sa eroplano. iba na tingin ko sa mundo. medyo hindi ko gusto nakikita ko. pero ok lang, andyan na e.
parang ang sarap magreklamo. parang tama na umangal. pero bakit pa? anong idadag nu'n sa solusyon ng mga problema ko? ang daming mahilig magsalita. buti na lang marunong ako iiwas ang pandinig ko sa mga sitwasyong wala nang kwenta ang daldalan. at lalong buti na lng at madaling limutin yung mga hindi ko naiwasan.
halos buong buhay ko sumunod ako sa plano ng iba. hindi man perpekto ang pagsunod ko, alam ko namang ginawa ko ng lubos na makakaya ko. dahil sa gusto ko. para sa akin, malamang ang pinakamatinding senyales ng pagtanda ay ang pagplano ng sarili kong buhay. hindi ko pa alam kung pano, pero alam ko gusto kong gawin. tulad ng dati, pag-aaralan ko muna.
aral lng aral. totoo nga sigurong may mga bagay na hindi maaring takasan. ang isa sa akin ay ang pag-aaral. masaya kasi may benepisyo akong nakukuha sa pag-aaral. benepisyon minsan nang naging premyo, allowance, tuition fee, at (sa ngayon) sueldo.
nakakatuwang isipin, pero bata pa lang ako. na-imagine ko na ganito ang kahahantungan ko paglaki. at pagkatapos nito magiging astronaut ako. kung si Shaider ang pulis pangkalawakan, ako gusto ko namang maging estudyanteng pangkalawakan. hahahah sinong niloloko ko... kahit nung bata pa ako, alam ko namang ang kahahantungan ng isang estudyante ay maging guro. at hindi na astig pakinggan ang 'gurong pangkalawakan'.
Currently listening to: MIS KOL by Craeons
Currently feeling: blah